Estudyante, binaril ang ‘bully’ na kaklase

5856
Image from Facebook/SIAMNONTHABURIFOUNDATION

NOTHANBURI PROVINCE, THAILAND – Nasawi ang isang binatilyo matapos siyang barilin ng kaklaseng madalas umanong binubully niya.

Ayon sa pulisya, naganap ang malagim na insidente sa loob mismo ng paaralan sa Muang district, pasado alas-8:30 ng umaga.


Nakasuot ng itim na shirt, guwantes, at maskara ang suspek nang paulanan niya ng bala ang estudyante. Agad siyang pumunta ng palikuran para magpalit ng school uniform.

Image from
Facebook/SIAMNONTHABURIFOUNDATION

Lumabas sa imbestigasyon na ipinuslit ng 14-anyos na lalaki ang baril ng tatay niya.

Inamin ng batang salarin ang nagawang krimen at sinabing nagdilim na ang paningin dahil palagi siyang kinukutya ng pinaslang na binatilyo.

Aniya, sinusuntok at pinapalo siya sa ulo ng mag-aaral habang tinutuksong bading.

Sa ngayon, nasa kostudiya ng mga awtoridad ang lalaking suspek.




 

Facebook Comments