Estudyante, Huli sa Pagbebenta ng Overpriced na Alcohol sa Santiago City

6739

*Cauayan City, Isabela*- Huli ang isang estudyante sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation- Isabela katuwang ang DTI bandang 10:30 kaninang umaga sa Brgy. Calao East, Santiago City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Russel Vallejo, 26 anyos isang estudyante at residente ng Brgy. Calaocan sa nasabing siyudad.


Ayon kay Provincial Director Tim Rejano ng NBI-Isabela, nadakip ang suspek matapos kumagat ito sa pain ng mga awtoridad matapos bentahan ng mga galong-galong alcohol at surgical gloves.

Una ng nagkaroon ng transaksyon ang mga awtoridad laban sa suspek sa social media hanggang sa ikinasa ang entrapment operation sa harap mismo ng simbahan sa Santiago City.

Nakumpiska sa suspek ang mahigit sa P6,000 piso na entrapment money, tatlong (3) galong alcohol at 6 na karton ng gloves.

Kung pagbabatayan ang presyo ng alcohol sa mercado ito ay tinatayang nasa 800 piso ang kada gallon habang mahigit sa 200 ang presyo ng isang karton ng surgical gloves taliwas sa sobrang presyo na ibinebenta ng suspek na P1,500 kada galon at mahigit 400 sa isang karton ng gloves.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang posibleng pagawaan ng alcohol at kung sino ang iba pang nasa likod ng pananamantala sa kabila ng umiiral na krisis sa covid-19.




Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 7581 o ‘Price Act’.

Facebook Comments