ESTUDYANTE NA NAG-VIRAL MATAPOS HUMAKOT NG AWARD, TUBONG ALICIA, ISABELA

Cauayan City – Umabot na sa 3 Million Views at 73,000 likes ang video ng isang estudyante matapos itong humakot ng awards sa kanilang graduation ceremony.

Kinilala ang mag-aaral na si Yannica Aubrey C. Cristobal, isang estudyante mula sa Odizee School of Achievers, Alicia, Isabela na humakot ng kabuuang 17 awards.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team sa magulang ni Yannica, hindi nila inakala na makukuha ng kanilang in-upload video ang atensyon ng mga netizens.


Lubos nilang ikinatuwa at ipinagmamalaki na bagama’t nasa murang edad pa lamang ay napakarami ng nakamit na achievements ng kanilang anak.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Walang hanggang pasasalamat rin ang ipinaaabot ni Yannica sa lahat ng suporta at papuri na kanyang natanggap sa kanyang naging tagumpay.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments