LALAKI SA MOUNTAIN PROVINCE, NASAMSAMAN NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki sa kasong trespassing at iligal na droga sa Bontoc, Mountain Province.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jonathan”, 29-anyos, at residente ng nasabing bayan.

Naaresto ang suspek matapos makatanggap ng tawag ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y trespassing na ginagawa ng suspek.


Agad na nagtungo ang mga awtoridad sa lugar upang beripakahin ito at dito nadatnan ang suspek.

Nang magsagawa ng body search, dito ay nakuha mula sa direktang posesyon ng suspek ang dalawang (2) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.41 gramo at nagkakahalaga ng Php2,788.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Bontoc Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments