Estudyante ng Isang State University, Nagbigti!

Tuguegarao City, Cagayan – Isang estudyante ang natagpuang patay matapos itong magbigti sa loob ng kanyang inuupahang kwarto sa Zone 1, Caritan Norte, lungsod ng Tuguegarao.

Batay sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan News Team mula kay Vangie Malana ng RMN Affiliate Station sa Tuguegarao, kinilala ang biktima na si Rodolfo Sacramento Urmanita, 19 anyos, estudyante ng Cagayan State University at tubong Dugo, Camalaniugan, Cagayan.

Ayon sa report, nanonood ng T.V. ang nasabing biktima kasama ang kanyang kasera na si Emiliana Bassig bandang alas dos ng hapon ng Enero 16, 2018 at pagkatapos ay pumasok na sa kanyang kwarto.


Dakong alas 8:40 ng gabi napansin umano ni ginang Bassig na may tumutulong tubig sa labas ng kwarto ng biktima dahilan upang tumawag ito ng kapitbahay upang pwersahan ng makapasok matapos walang sumagot sa ilang ulit nitong pagkatok.

Nang mabuksan ang pintuan, laking gulat umano ng mga ito ng tumambad ang nakabiting katawan ng biktima gamit ang kordon ng kanyang sapatos.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, depresyon ang hinihinalang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima base na rin sa nadiskubreng notebook na nagsasabing hiwalay ang kanyang mga magulang at walang suporta ang kanyang mga kamag-anak.

Sasailalaim naman sa autopsy ang bangkay ng biktima na dinala sa Ortiz Funeral Homes.

Facebook Comments