TECHNICAL PROBLEM | MRT, muling nagka-aberya

Manila, Philippines – Nasa 900 na pasahero ang ibinaba 9:21 kanina matapos na magka aberya ang isang tren sa Southbound ng Santolan-Annapolis Station .

Ayon sa MRT management, technical problem dulot ng signaling error ang sanhi ng aberya.

Dinala na sa depot ang nagka aberyang tren para sa preventive maintenance at replacement ng signaling components.


Nailipat din sa sumunod na tren ang mga pinababang pasahero pagkalipas ng anim na minute.

Facebook Comments