Estudyante, namatay dahil sa abnormal heartbeat matapos ang ROTC training

via RMN Files

Namatay si Roel Sedenio, 21 taong gulang, dahil sa abnormal heartbeat nang matapos ang training sa ROTC nitong Sabado sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa kaniyang co-officers sa ROTC, nahimatay si Sedenio matapos ang training at nagkaroon din ng seizures ang binata na sanhi ng kaniyang pagkakamatay.

Pinaliwanag naman ng mga doktor sa Zamboanga del Sur Medical Center, dahil ito sa abnormal heartbeat o cardiac dysrthmia na nagdulot ng pulmonary congestion.


Sa isang panayam ng kaniyang ina sa CNN Philippines, sinabi ni Julita Sedenio na hindi siya makapaniwala sa biglaang pagkamatay ng anak dahil alam niyang malusog ang binata.

Isa si Sedenio sa 272 na cadet officers na kasama sa training at isang third year Information Technology student sa Josefina H. Cerilles State College sa Pagadian City.

Nauna namang pinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang i-require ang ROTC training ang mga estudyanteng Grade 11 at 12 na nakapaloob sa Senate Bill No. 2232.

Hindi naman makakasama sa ROTC training ang mga may problema sa pangangatawang pisikal at sikolohikal.

Facebook Comments