Estudyante Nasaksak | Construction Worker, Arestado!

28

Gamu, Isabela – Nakatakdang sasailalim sa inquest proceedings ang isang construction worker matapos saksakin ang isang estudyante sa Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Kevin Preza, labin pitong taong gulang, grade 12 student, samantalang kinilala naman ang suspek na si Nestor Taneza, singkwentay sais anyos, construction worker at mga pawang residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Richard Limbo, Acting Chief of Polce ng PNP Gamu, nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang anim na kaibigan sa bahay ng lola pagkatapos ng kanilang graduation. Nataon na dumaan ang anak ng suspek na nakilalang si Mark Kevin Taneza at tinawag upang tumagay.

Idinagdag pa ni PSI Limbo na dali-daling umuwi ang anak ng suspek kung saan iba ang naging pagkaunawa sa pagtawag ni Preza at nagsumbong sa ama si Mark Kevin Taneza.

Napagkamalan umano ng anak ni Nestor Taneza na pinagtripan ng grupo kung kaya’t nagsumbong sa ama.

Sumugod si Nestor Taneza na dala ang kutsilyo at biglang sinaksak si Kevin Preza.

Agad na isinugod sa pagamutam si Preza na nagtamo ng tama o sugat sa dibdib. Nagtangkang tumakas ang suspek pero nahuli rin ng kapulisan at dinala sa PNP Gamu.

Facebook Comments