Santiago City, Isabela – Sasailalim ngayon sa pangangalaga ng DSWD ang isang menor de edad na lalaki matapos itong makunan ng Marijuana alas onse kagabi, Enero 9, 2018 sa Purok 4, Mabini, Santiago City, Isabela.
Dinakip ang binatilyo na itinago sa pangalang Jun Jun, 17 anyos, single, isang ALS student at residente ng Centro West, Santiago City, Isabela.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Station 1 PNP Santiago City, pumasok ang binatilyo sa isang KTV Bar nang mapansin ng gwardiya na amoy marijuana ito.
Sinundan ng sekyu ang binatilyo sa CR at doon naaktuhang may hinihithit na agad itinapon sa sahig.
Agad na sinuri ng gwardiya ang binatilyo at nakuha mula sa kanya ng isang zip-lock transparent plastic na naglalaman ng tuyong dahon ng Marijuana.
Agad namang itinawag ng gwardiya sa PNP Station 1 ang pangyayari at tuluyan nang inaresto ng mga pulis ang binatilyo.
Matapos kuhanan ng pahayag ipinasa na sa DSWD ang pangangalaga sa binatilyo na una ng sinabi na posible ring makasuhan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.