Estudyante ng ISU-Cabagan, Patay sa Pamamaril

104

Cauayan City, Isabela- Dead on the spot ang isang estudyante ng Isabela State University- Cabagan Campus matapos pagbabarilin sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Anthony Cammagay, 20 anyos, 2nd year BS Agriculture Technology Student na residente sa nasabing barangay.


Sa imbestigasyon ng Cabagan Police Station, lumalabas na ipinakisuyo umano sa biktima ang ipaphotocopy ang death certificate ng isa sa kanilang kamag-anak.

Tinatayang nasa 100 metro lamang ang layo ng biktima sa kanilang tahanan ng mangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa kanya ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Sa pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya, mayroon umanong insidente na hinahabol ang biktimaa ng mga kalalakihan subalit hindi pa malinaw ang dahilan.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanyang dahilan ng pagkasawi.



Samantala, kaliwa’t kanan ngayon ang panawagan sa social media ng mga kaibigan at pamilya ng biktima upang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Cammagay.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments