Pagdami ng quarantine violator, dahil sa pandemic fatigue – NTF

Aminado ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na isa sa malaking hamon (challenge) ngayon ang nararanasang pandemic fatigue kaya marami ang nahuhuling quarantine violator.

Ayon kay NTF Spokesman Retired Gen. Restituto Padilla, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na tayong hindi magawa ang dati nating nakasanayan.

Pero nandyan pa rin aniya ang nakakamatay na COVID-19 kaya hindi dapat maaaring balewalain ang minimum health protocols.


Kasabay nito, hinikayat ni Padilla ang mga lokal na opisyal na agad magpasaklolo sa NTF at Inter-Agency Task Force (IATF) kung hindi kayang hawakan ang problema sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments