Estudyante, pasan ng ama sa pagpasok sa paaralan

337

Magkahalong awa at bilib ang naramdaman ng netizens sa kumakalat na litrato ngayon ng ama na pasan ang anak niyang papasok sa paaralan.

Sa kagustuhang makatulong, ibinahagi ng concerned netizen na si Lisaba Joshua ang sitwasyon ng mag-ama.


Kapansin-pansin sa larawan na walang mga paa ang bata na tinukoy na Grade 7 student mula sa Sto. Cristo National High School, sa San Jose del Monte, Bulacan.

Tunay na kahanga-hanga ang dedikasyong ipinakikita ng bata, gayundin ang tiyaga at pagmamahal ng kanyang ama.

Iisa naman ang hiling ng karamihan sa mga nagkomento sa post– ang mabigyan ng wheelchair ang mag-ama.

Mayroon pa ngang isang netizen na nagkomento at humingi ng detalye ng mag-ama dahil gusto niya aniyang magbigay ng wheelchair.

Facebook Comments

From Advertisers