Estudyante-Patay, Backrider Sugatan nang Salpukin ang Isang Truck!

451

Cauayan City, Isabela- Agad na binawian ng buhay ang 15 anyos na estudyante habang sugatan ang backrider nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang 6×6 truck sa pambansang lansangan sa Barangay Minanga, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawi at drayber ng Honda XRM na walang plaka na si Jaymark Flores habang sugatan ang Backrider nito na si Gerald Taguimacon, 17 anyos, studyante at kapwa residente ng Brgy. Ueg, San Mariano Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, habang binabaybay ng motorsiklo ang lansangan patungong Kanlurang direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ito sa 6×6 truck na walang plaka na minamaneho ni Gilbert Tolentino, 31 anyos, magsasaka, na taga Sitio Caunayan, San Mariano, Isabela.

Dahil dito, nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber ng motorsiklo na sanhi ng agarang pagkamatay nito habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang backrider nito para sa kaukulang lunas.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang dryaber ng truck maging ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments