2-anyos, patay matapos malunod sa septic tank

ARANSAS, Texas – Nasawi ang 2-anyos na babae nang malunod matapos mahulog sa septic tank na may lalim na 15 feet sa isang recreational vehicle park.

Ayon sa report ng international news KRIS-TV, naglalakad noong Miyerkules ng hapon ang batang si Charleigh Nicole Nelson sa takip ng naturang tangke nang aksidente itong mahulog.

Nang mangyari ang insidente, sinubukang iligtas ng mga nakakita ang kawawang bata gamit ang lubid at pala ngunit nabigo ang mga ito.


Ilang beses din umanong nagsagawa ng rescue operation ang emergency crews ng lugar gamit ang malalaking kagamitan subalit hindi rin sila nagtagumpay.

Matapos ang isang oras ay dumating ang mga ipinadalang bumbero mula Rockport Volunteer Fire Department bandang 5:30 pm ayon sa inilabas na pahayag ng departamento.

Agad na ibinaba sa tangke ang isang volunteer para sagipin ang biktima sa tulong ng rope rescue team hanggang makuha ang katawan ng bata.

Siniyasat nito si Nicole sa tubig na may lalim na 3 feet hanggang mahanap ang bata.

Bangkay na ng maiangat ang biktima mula sa septic tank na sinasabing isang oras nang nakababad sa tubig.

Labis naman ang pangungulila ng pamilya ng biktima dahil sa nangyari.

Samantala, hindi pa rin malinaw kung paano nahulog ang bata ngunit naiulat ng mga residente na una na nila itong nakitang naglalakad sa takip ng naturang tangke.

Facebook Comments