Estudyante, patay matapos magliyab ang suot na costume sa isang school event

7730

Nasawi ang 12-anyos na babae matapos magliyab ang suot nitong costume sa kalagitnaan ng isang event sa eskwelahan sa Davao City, Okt. 25.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kasama sa Ms. and Mr. Intamurals ang babae, na nakasuot ng costume na gawa sa abaca.


Bigla raw napadikit sa nakasinding kandila ang naturang damit ng estudyante saka ito nagsimulang umapoy.

Agad na isinugod sa ospital ang babae na nagtamo ng third-degree burn.

Ngunit makalipas ang isang linggo, pumanaw rin ang biktima.

Samantala, bumuo na ng fact-finding team ang Department of Education (DepEd) sa Davao para imbestigahan ang nangyari.




Tumulong rin sa imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection.

Facebook Comments