Buntis, niratrat ng AR-15 ang 2 armadong nanghimasok sa bahay

FLORIDA, U.S — Pinagbabaril ng isang buntis na armado ng semi-automatic rifle ang dalawang magnanakaw na nanghimasok sa kanilang bahay sa Lithia, nakaraang Miyerkules.

Ayon sa Hillsborough County Sheriff, hinarap ng nanay ang mga magnanakaw nang pumasok ito at pinagpapalo ng rebolber ang kanyang mister habang marahas na kinukuha ang 11-anyos nilang anak na babae.

Nagtamo ng tama ng AR-15-rifle ang isang magnanakaw na wala ng buhay nang abutan ng pulisya, habang nagawa namang tumakas ng isa pang suspek.


Kuwento ng mister na si Jeremy King, parehong may rebolber at nagpaputok pa ng baril ang mga magnanakaw.

Malubha umanong nabugbog si King na nagtamo ng pinsala sa mata, ilong, pagkabagok ng ulo na nauwi sa tatlong staple sa ulo at 20 tahi.

Aniya, patay na sana siya kung hindi dahil sa 8-buwang buntis niyang misis na “mabilis mag-isip”.

Patuloy namang pinaghahanap ang isang nakatakas na suspek.

Facebook Comments