Estudyante, patay matapos makuryente habang nagpuputol ng sanga ng puno

1389

Nasawi ang isang Forestry student mula Vigan City, Ilocos Sur matapos itong mahulog mula sa puno nang aksidenteng makuryente habang nagpuputol ng mga sanga.

Nitong Linggo bandang alas 3:35 ng hapon, namatay ang 20-anyos na si Benedict Gom-uyen, graduating student na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Forestry sa Ilocos Sur Polytechnic College sa bayan ng Sta. Maria.


Ayon sa ulat, aksidenteng natamaan ng itak na ginamit ni Gom-uyen ang live-wire habang nagtatanggal ito ng mga sanga matapos utusan ng kanyang guro na si Elena Ato, 56, sa kanyang bakuran sa Brgy. Raois, Vigan City.

Nang makuryente ay agad na bumagsak ang biktima at labis na napuruhan ang ulo.

Naidala pa ang naturang estudyante sa ospital ngunit kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers