Estudyante, patay matapos tumalon mula sa 5th floor ng isang mall sa Quezon City

Patay ang isang Senior High School student matapos tumalon mula sa ika-limang palapag ng SM North Annex sa Quezon City Kahapon.

Kinilala itong si Ace Jeadam Soriano Ong, mag-aaral ng San Francisco High School.

Sa facebook post ni Darwin Togonon Porcalla, makikita ang katawan ng biktima na nakasabit pa sa handrail ng binagsakan niyang escalator.


Naisugod pa sa Quezon City General Hospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Suicide ang tinitingnang anggulo ng QCPD Station 2 pero inaalam pa ang dahilan nito.

Facebook Comments