₱2M halaga ng shabu, nasabat sa buy bust operation sa Quezon City

Nasa 2-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Regalado Street, Quezon City kahapon ng hapon.

Timbog naman sa operasyon ang apat na lalaking miyembro ng isang drug syndicate sa lungsod.

Ayon sa PDEA, ilang linggo na nilang minanmanan ang mga suspek.


Inamin ng mga ito na bukod sa Metro Manila, nag-ooperate din sila sa ilang lalawigan sa Central Luzon.

Courier lang daw sila ng grupo at kumikita ng ₱10,000 bawat isa sa tuwing nagde-deliver ng iligal na droga.

Kinasuhan na ang mga suspek pero hindi na muna sila pinangalanan ng PDEA habang nagpapatuloy ang kanilang follow-up operations.

Facebook Comments