Estudyante, patay nang mahulog mula ikalimang palapag ng isang mall sa QC

4501

Nasawi ang isang senior high school student nang mahulog sa isang escalator mula ika-limang palapag ng SM City North Edsa sa Quezon City, bandang alas-5:30, Sabado ng hapon.


Kinilala ang estudyante na mula sa San Francisco High School.

Batay sa ulat, sa escalator bumagsak ang binata kung saan sinasabing nakasabit pa sa handrail ang katawan nito.

Agad naman itong isinugod sa Quezon City General Hospital ng SM Rescue Team ngunit kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Ayon sa Quezon City Police Station 2 Masambong, hinihinalang nagpakamatay ang binata.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District kung may foul play na nangyari.

Samantala, maaalalang nito lamang din buwan ng Agosto, isang lalaki naman ang nagtangkang tumalon mula sa ikatlong palapag ng kaparehong mall ngunit kalaunan ay nailigtas naman ng awtoridad matapos itong makumbinsi.




Facebook Comments