Operasyon ng AFP para marekober ang dinukot na British national at asawa nito sa Zamboanga del Sur, nagpapatuloy

101

Siniguro ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement na ginagawa ng AFP ang lahat upang mabawi ang dinukot na British national at asawa nitong Filipina sa Zamboanga del Sur nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay Clement, hindi pa nila natutukoy kung anong grupo ang responsable sa pagdukot sa mag-asawa, ngunit naglunsad na ang militar ng rescue operation.

Hindi naman idinetalye ni Clement ang ongoing operation.


Matatandaang dinukot ng 4 na armadong suspeks mula sa kanilang resort sa Barangay Alindahaw, Tukuran Zamboanga del Sur ang British national na si Allan Arthur Hyrons at ang kanyang Pilipinang asawa na si Welma Paglinawan Hyrons  alas-7:00 ng gabi nitong Byernes.

Sinakay sila sa magkahiwalay na bangka na nagtungo sa direksyon ng Pagadian at Lanao del Norte.

Facebook Comments