Estudyante patay sa road accident sa bayan ng Banisilan North Cotabato

Isang college student ang namatay ng masangkot sa road accident sa Brgy. Wadya sa bayan ng Banisilan North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Arvin Gicole, 20-anyos residente ng Brgy. Carugmanan sa nasabing bayan.
Nangyari ang aksidente dakong alas-4:45 ng hapon nitong Linggo habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng national highway sakay sa kanyang Suzuki Raider 150 na motorsiklo (410 FX) kulay abo nagmula sa Wao, Lanao del Sur patungo ng Poblacion Banisilan.
Sinubukang umalpas ni Gicole sa kasunod na truck, pero dahil sa may nakasalubong na isa pang sasakyan, bumalik ito sa kanyang lane at dito na siya nasalpok ng isang ten wheeler truck na minamaneho ni Jaypy Porten Galleposo, 25-anyos ng Brgy. Dado, Alamada.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay.(Amer Sinsuat)
For display only

Facebook Comments