NAGKURSUNADAHAN | 6 tao, sugatan sa barilan ng 2 grupo sa Tondo, Manila

Manila, Philippines – Anim na tao ang isinugod sa Mary Johnston Hospital at Gat Andres Hospital matapos na magpalitan ng putok ang dalawang grupo na nag-iinuman sa Glenn Video Bar na matatagpuan sa 574 Padre Rada Street, Tondo, Manila.

Kinilala ang mga biktima na isinugod sa dalawang pagamutan na sina Nelda Clemente , 74 anyos; Ely Almoete, 25 anyos; Erljin Lacorte, 19,anyos; Junel Tabudlang , 29 anyos; Josephine Dagoy, 52 anyos; at Ian Gumabon,16 anyos, na nasa kritikal na pagamutan ang mga biktima sanhi na tinamong tama ng bala ng baril sa leeg, katawan, at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO2 Reyzen Del Rosario, habang masayang nag-iinuman ang dalawang grupo sa loob ng Glenn Videoke bar, nagkursunadahan ang dalawang grupo at nabalot ng tensyon ang lugar matapos na magpalitan ng putok ng baril ang 2 grupo.


Nasa kritikal ngayon ang mga biktima sa naturang mga pagamutan habang inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo o dahilan ng away ng dalawang grupo.

Facebook Comments