Estudyante sa Calatrava, Negros Occidental – putol ang daliri matapos sumabit sa gate ng eskwelahan!

Calatrava, Negros Occidental – Tinangka ng high school student na magbulakbol at umeskapo sa klase ngunit ito ay minalas at aksidenteng naputol ang daliri nito.

Ayon sa imbestigasyon, binalak ng estudyante ng Calatrava National High School sa Negros Occidental na umeskapo sa pamamagitan ng pagtalon sa pader pero aksidenteng sumabit sa barbwire ng gate ng school campus ang singsing nito kung kaya’t naputol ang ring finger ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng pulis ang dagdag na detalye sa naturang insidente.


Facebook Comments