Estudyante, Timbog sa Pagbebenta ng Droga!

Cabatuan, Isabela- Timbog ang isang estudyente matapos itong mahulog sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib pwersang PNP Cabatuan at PDEA RO2 kahapon sa brgy. Macalaot Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Rosendo Jerick Reyes, 18 anyos, walang asawa, estudyante at residente naman ng Brgy. Sarabay Cabatuab, Isabela.

Sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan ay lumalabas sa pagsisiyasat ng kapulisan na nahuli umano si Reyes sa aktong pagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa mismong tapat ng paaralan sa naturang Barangay.


Narekober mula sap ag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu, isang libong piso na ginamit bilang buy bust money, isang cellphone at isang lighter.

Samantala, agad namang dinala sa himpilan sa kapulisan si Reyes para sa kaukulang dokumentasyon habang nahaharap ito sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments