Senior High School Student, Patay Matapos Mulunod!

San Mariano, Isabela- Patay ang isang Senior High school student matapos itong malunod sa Pinacanauan River sa Brgy. Daragutan East San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Roy Pamittan, 18 anyos, estudyante at residente ng brgy. Punit, Benito Soliven.

Batay sa impormasyong ipinarating ng Isabela Police Provincial office ay nagpaalam umano ang bikitima sa kanyang magulang na maligo kasama ng kanyang mga ka klase bago magtungo ang mga ito sa naturang ilog.


Makaraan ng ilang sandali ay nalaman ng kanyang mga kaanak ang insidente kaya’t agad namang humingi ng tulong sa mga otoridad ang anyang nakatatandang kapatid.

Agad naman rumesponde ang kapulisan katuwang ang LGU San Mariano Team ngunit hindi na naabutang buhay ang biktima samantalang dakong alas syete ng gabi kahapon ng matagpuan ang katawan ng biktima na nagpalutanglutang sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, napag-alaman pa ng mga otoridad na hindi din umano marunong lumangoy ang naturang biktima.

Facebook Comments