Kinagiliwan ng netizens ang isang estudyanteg ibinahagi sa social media ang plano niyang “negosyo” sa balik-eskwela.
Sa Facebook post ni Sarah Arabella Sanchez Canlas, nag-upload ito ng mga larawan ng mga gamit na pinresyuhan niya bawat piraso o konsumo, at may caption na “Feeling ko dito ako yayaman…”
Karamihan sa mga gamit ay ‘yung mga madadalas na hiramin o hingin ng mga estudyante sa klase, gaya ng papel, alcohol at polbo.
Sinaman pa ng estudyante ng hugot ang pagbebenta.
“Mura ang papel na binebenta ko. Ikaw lang ang mahal ko.”
Maraming netizens ang natuwa at tila naka-relate nang bongga sa gustong gawin ni Canlas.
Sabi pa ng ilan ay sana naisip nila itong gawin noong pumapasok pa sila.
Hindi rin nagpahuli sa usapan ang ilang nanay na tila aprubado ang ideya ng estudyante.