Estudyanteng may diperensya sa mata, tuloy ang pagsusumikap sa pag-aaral

Image via Rhea Manglicmot

Naging viral sa social media ang larawan ng isang Grade 7 student na tuloy pa din sa pag-aaral kahit may diperensiya ang kanyang mata.

Ibinihagi ni Rhea Mangcalimot, guro ng 18 taong gulang na si Mae Sasutil, ang kalagayan ng estudyante. Aniya, meron itong congenital eye disorder. Kahit nahihirapan, hindi sagabal sa dalaga ang karamdaman para matuto.

Kasalukuyan nag-aaral si Sasutil sa T’boli National High School.


Courtesy Facebook/Rhea Manglicmot

“Nadurog ang puso ko pagkakita ko sa kanya. Siya si Mae Sasutil, grade 7 student. Hindi niya makita ang letra kung hindi ipalapit sa mata niya. May deperensiya siya sa mata pero nagsusumikap pa din sa eskuwela.

Dahil sa post ni Manglicmot, nagbigay ng tulong ang Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan ng T’boli sa mag-aaral.

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments