Estudyanteng nagtapos sa US Military Academy – Westpoint, taga Mindanao!

53

“Ang pinakamalaking hadlang kapag ito [military and public service] ang iyong tinahak ay ang sarili mo, kapag napagtagumpayan mo ito, kahit demonyo, hindi ka mapapasuko.”

Ito ang mga salitang ipinayo ni Jesson Peñaflor sa mga nagbabalak na tahakin ang pagseserbisyong publiko o militar.


Si Peñaflor ay tubong Kalilangan, Bukidnon na nagtapos ng Bachelor’s degree sa kursong Nuclear Engineering sa West Point ng US Military Academy noong Hunyo 13 taong kasalukuyan.

Bago pa man nagtungo si Peñaflor sa West Point, siya ay nag-aral sa Mindanao State University ng tatlong taon sa Marawi bago siya pumasok sa Philippine Military Academy kung saan tinapos ang kanyang plebe years.

– Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments