Top 8 Wanted Person sa Iligal na Droga, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 8 Provincial Level matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest kahapon, June 16, sa Kaypian Road, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Nakilala ang akusado na si Eddie Dayrit alyas Ferdinand Dayrit na sangkot sa iligal na droga.

Dinakip si Dayrit matapos ang ipinalabas na kautusan ng korte na pirmado ni Judge Bernabe Mendoza ng RTC, 2nd Judicial Region, Br. 23, Roxas, Isabela.


Ang suspek ay naaresto ng mga kasapi ng Aurora Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Branch ng IPPO, PIDMB IPPO kasama ang mga operatiba ng CIDG Bulacan, CSJDM PS, RIU 2, RIU 3, PIB Bulacan PPO at 48IB 7ID PA.

Ang akusado ay nahatulan ng 12 taon at 1 araw hanggang 20 taon na pagkakakulong dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakatakdang ipasakamay sa PNP Aurora ang nahuling akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments