MANAOAG, PANGASINAN – Timbog ang 19-anyos na estudyante matapos nitong pagnakawan ang isang massage therapist at miyembro ng LGBT community sa bayan ng Manaoag.
Kinilala ang suspek na si “ikong”, residente ng Brgy. Matic-Matic Sta. Barbara at ang biktima naman ay si Mario , 43 taong gulang residente ng Brgy. Bucao, bayan ng Manaoag.
Sa report ng awtoridad, inimbitahan umano ng biktima ang suspek sa kaniyang tahanan upang doon na mag overnight ngunit pasado 12: 00 ng madaling araw nahuli sa akto ang suspek nang nakawin nito ang 13, 500 na nasa sling bag ng biktima.
Agad na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo at nang makarating sa Barangay Matic-Matic ay humingi na sila ng tulong mula sa Brgy. Officials at doon na matagumpay na nahuli ang suspek.
Dinala pa sa Sta. Barbara PS ang suspek at itinurned-over sa kustodiya ng Manaoag Police Station. Samantala, dinala pa ang suspek sa isang pamagutan para sa medikal na eksaminasyon.
Inihahanda na ang kasong qualified theft na isasampa laban dito. ###