Ethel Booba at Sass Rogando Sasot, nagsagutan sa di umano’y utang ng ABS-CBN

1753

Mainit ngayon sa social media ang patutsada nina Ethel Booba at Sass Rogando Sassot dahil sa umano’y utang ng ABS-CBN sa gobyerno.

Sa Facebook post ni Sassot, hiningi niya ang saloobin ng comedian-actress sa hindi pagbabayad ng Lopez family. 


Ang pamilyang tinutukoy ng Pro-Duterte blogger ay may-ari ng giant network sa bansa.

Tugon ni Ethel, kailangan managot sila sa batas kapag napatunayan ang alegasyon. Pero hindi dapat madamay ang mga empleyado nito. 

“Ano naman masasabi mo sa mga mawawalan ng trabaho? Tablahin na lang natin? Charot!,” pabirong tanong ni Ethel.

Muling sumagot si Sassot na responsibilidad ng TV network ang kapakanan ng kanilang manggagawa. Hirit niya, “takot ka bang hindi makatuntong ng Dos?”

Pinayuhan ni Ethel si Sassot na basahin ulit ang kanyang mga tweets. Dagdag pa niya, walang dahilan para matakot siya sa Dos.

Sa huli, hinamon ni Sassot si Ethel na magkaroon sila ng Live Q&A para patunayan wala siyang ghost writer.

Pero ayon kay Ethel, ghost buster ang meron siya at hindi ghost writer. Nanawagan din siya sa broadcasting company bayaran ang utang sa pamahalaan.


 

Facebook Comments