PDP- Laban, suportado ang senate presidency ni Sotto– Bong Go

59

Ipinahayag ni Senator-elect Christopher “Bong” Go na suportado ng PDP-Laban party ang senate presidency ni Vicenete “Tito” Sotto III nitong Lunes.

Pinangunahan na ni Manny Pacquiao at Koko Pimentel ang pag-file ng resolution na pamumunuan ni Sotto ang upper chamber o head ng Senado.


“Kami po ay naniniwala sa liderato ni Sen. Tito Sotto. Kaya lang po kami ay may partido rin kaming sinusunod at kinokonsulta so antayin lang po natin sa susunod na mga araw kung ano ‘yung mapag-uusapan namin,” paliwanag ni Go.

Nauna nang tinanggihan ni Cynthia Villar ang pagpirma sa resolution at pinahayag ni Imee Marcos na kwalipikado si Villar sa posisyon na ito.

Sinabi rin ni Go na parehong kwalipikado ang dalawang mambabatas.

“Beterano na po sila na mga mambabatas at senador. Wala po akong problema sa kanilang dalawa,” dagdag niya.

Facebook Comments

From Advertisers