Ethel Booba, binatikos ang insensitibong komento ni Jay Sonza sa banggaan sa Recto Bank

via Facebook

Binatikos ng komedyanteng si Ethel Booba ang komentong “drama rama” at “too good to be true” ng dating broadcast-journalist na si Jay Sonza sa naganap na banggaan sa Recto Bank kung saan isang Philippine vessel na may sakay na 22 mangingisda ang binangga at inabandona ng isang Chinese vessel.

Sa kanyang Facebook, nag-post ng sunod-sunod na opinyon si Sonza tungkol sa isyu at mga aniya’y paghihimay niya sa mga nakalap na impormasyon.

Pahiwatig ni Sonza sa lahat ng posts, magulo at hindi kapani-paniwala ang kuwento ng mga Pilipinong mangingisda na ilang oras sa dagat bago sagipin ng mga Vietnamese.


Kasunod nito, pinuna ni Ethel ang pagmamaliit ni Sonza sa naranasan ng mga mangingisda, partikular sa komento nitong “wala man lang namatay o malubhang nasugatan” sa mga sakay ng bangka.

Hirit pa ni Ethel, “Former journalist pero di marunong makibalita. Charot!”

Bukod dito, sinagot din ni Ethel ang ipinahayag na pagdududa ni Sass Sasot sa salaysay ng mga mangingisda.

Bato ng komedyante, kinumpirma na mismo ng Chinese Embassy na kanila ang nakabanggang vessel.

At hirit niya, “Bigyan nyo kasi ng link ng legit news si Cyst. Charot!”

Facebook Comments