Ethel Booba, nagtaas ng talent fee

253

Manila, Philippines – Inamin ng author-comedienne na si Ethel Booba na nagtaas siya ng kanyang talent fee matapos manalo sa singing contest ng isang TV variety show.

Nito lamang nakaraang linggo, si Ethel ang itinanghal bilang celebrity champion ng isang singing contest kung saan mahigit 300, 000 piso ang kaniyang naiuwi.


Bukod sa napanalunan ni Ethel, blessing din sa kanya ang pagdating ng kauna-unahan nilang baby ng kaniyang non-showbiz boyfriend.

Say ni Ethel – hindi madali ang kaniyang sinalihan dahil nahirapan siyang humugot ng hangin dahil anim na buwan na siyang buntis.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Ethel sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers