Ethel Booba proud na ipinakilala ang bagong boyfriend sa GGV

Matapos ang maraming pagka-sawi sa larangan ng pag-ibig ay masayang ipinakilala ng kilalang komedyante na si Ethel Booba sa unang pagkakataon ang kanyang boyfriend.
Ayon kay Ethel ay limang buwan na sila ni Jessie na nakilala niya sa isang bar.
Sinabi pa niya na, “I think. Ganito lang ‘yung character ko, walwal, palaban. Hindi naman ako masamang tao, pero meron akong ipinagdadasal na, sana, sana tayo na.” nang tanungin kung tingin niya ay si Jessie na ang ‘the one’ para sa kanya.
Ngunit, naging emosyonal naman ang komedyante nang pabulaanan niya ang paratang sa kanya ng ilang kaibigan bilang ‘kabit’.
Inamin nito na hiwalay ang kanyang bagong nobyo sa dating asawa nito at kasalukuyang nasa proseso na ng annulment.

Facebook Comments