Manila, Philippines – Nagtipon-tipon sa harap ng gate ng Senado ang mga kababaihang kasapi ng Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan.
Ipinoprotesta nila ang ginawang biro ni Senator Tito Sotto III sa confirmation hearing kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo ukol sa mga single parents.
Plano ng grupo na magsampa ng ethics complaint laban kay Senator Sotto.
Ayon kay Amparo Miciano, secretary general ng grupo, hindi sapat ang paghingi ng sorry ni Senator Sotto.
Mali aniya na itinatago kadalasan sa joke ang panlalait sa mga babae.
Sakaling matuloy ang pagsasampa ng reklamo, sinabi ng grupo na hihilingin nilang mag-inhibit si Sotto na siya ring chairman ng Senate Ethics Committee.
DZXL558
Facebook Comments