Ethics complaint laban kay Senator Trillanes, suportado ng mayorya ng mga Senador

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Richard Gordon na isasampa niya ngayon araw ang ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon pa kay Senator Gordon, nasa sampu hanggang 14 na senador na ang tiyak nasusuporta sa ihahain niyang reklamo laban kay Trillanes.

Ang pahayag ay ginawa ni Gordon matapos ang mahigit 2 oras na caucus ng mga senador na miyembro ng mayorya.


Sabi pa ni Gordon, ayaw na niyang makipag-usap at makipagkasundo muli kay Senator Trillanes.

Ipinaalala pa ni Gordon na minsan na niyang tinanggap ang pagso-sorry ni Trillanes pero patuloy ito sa mga aksyon at pahayag laban sa kanyang mga kasamahang senador.

Samantala, hindi matutuloy ang plano ni Senator Gordon na ilabas ngayong araw ang partial committee report ukol sa imbestigasyon ng senate blue ribbon committee ukol sa paglusot sa Bureau of Customs ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing sa China.

Ayon kay Gordon, wala pa siyang tulog kagabi dahil sa partial committee report at kailangan pa niya itong papirmahan sa mga senador na miyembro ng komite.

Facebook Comments