ABC President ng Northern Kabuntalan muling naaresto dahil sa Shabu

Huli ang isang itinuturing na drug queen na isa ring public official sa ginawang drug buy bust operation sa phase 1, Lanka Lane Woodridge Maa,Davao City.

Ang suspect ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Pdea Region 11, Talomo Police Station at 305th Air Intelligence and Security Aquadron.

Kinilala ang suspect nasi Fatima Daud Baliwan,kapitan ng barangay kapinpilan at abc chairman ng Northern Kabuntalan,Maguindanao at itinuturong lider ng Baliwan Drug Group na nag ooperate sa bahagi ng ARMM.
Nahuli din ang mga kasama nitong sila Norodin Baliwan,na isa umanong car agent,Noria Diyao na umanoy kakutsaba ni baliwan,sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga na kung saan nakuha dito ang shabu na nagkakahalaga ng p600,000, kotse at mga cash.
Napag-alaman din na una ng nahuli ang mga suspect noong Pebrero sa Cotabato City ng pdea armm at cotabato police ngunit nakalabas ang mga ito sa kulungan.
Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspect sa kulungan ng pdea-region 11, at inihahanda ang mga patong patong na kasong R.A 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002. (LEO VARON)


Facebook Comments