Manila, Philippines – Plano ng Senate Ethics Committee na desisyunan na ang ethics complaint na isinampa ng kamara laban kay Senator Leila De Lima sa muling pagbabalik ng session ngayong buwan ng Mayo hanggang Hunyo.
Ayon kay Committee Chairman at Senate Majority Leader Tito Sotto III, naipamahagi na niya sa mga miyembro ng komite ang affidavit at counter affidavit ng kamara at ni Senator De Lima.
Magpapatawag daw muna siya ng meeting upang mabatid kung may desisyunan na ang bawat miyembro o kung may hihirit pa sa mga ito na magkaroon ng pagdinig.
Kung magkakaroon ng pagdinig, ay hindi naman na aniya kailangan ang presensya ni De Lima na ngayon ay nakapiit sa PNP custodial center, maliban pa sa nagsumite na ito ng affidavit at pwede naman syang katawanin ng kanyang abogado.
Paliwanag ni Sotto, kabilang sa maari nilang aksyon ay ang i-dismiss ang reklamo, i-reprimand o suspendehin si De Lima o tuluyan siyang patalsikin sa Mataas na Kapulungan.
Pero anuman aniya ang maging desisyon ng komite ay kailangan pa nilang ilatag sa plenaryo.
Nation”