MANILA – Hawak na ng senado ang ethics complaint na isinampa ng kamara laban kay Senador Leila De Lima.Mismong si Cong. Reynaldo Umali, Chairman ng House Committee on Justice ang nagdala sa senado ng ethics complaint ng kamara.Ang dokumentong may labing tatlong pahina ang pagmumulan ng imbestigasyon ng senate ethics committee kay De Lima na kasalukuyang nasa ibang bansa para dumalo sa isang official engagement.Ayon kay Umali, nakabase ang reklamo sa testimonya ni Ronnie Dayan na dating driver/ bodyguard at dating karelasyon ng senadora.Una nang sinabi ni De Lima na hindi niya inutusan si Dayan na huwag dumalo sa pagdinig sa halip, payo lamang ang ibinigay niya rito.Sabi naman ni Senate Ethics Committee Chairman Tito Sotto, na magsasagawa sila ng pagdinig kung saan mabibigyan ng pagkakataon si De Lima na ipresenta ang kanyang panig.Samantala, ayaw naman sakyan ni Sen. Ping Lacson ang pangamba ng ilan na baka hindi na bumalik sa bansa si De Lima.
Ethics Complaint Ng Kamara Laban Kay Sen. Leila De Lima, Hawak Na Ng Senado
Facebook Comments