MANILA – Wala pa mang opisyal na proklamasyon, nagpahayag na agad ng kahandaan ang European Union, Estados Unidos at China na makipag-ugnayan at makatrabaho si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Hindi na kasi natinag sa top spot ng presidential race si Duterte at nag-concede na rin ang ilan sa kanyang mga kalaban.Ayon kay US State Department Spokeswoman Elizabeth Trudeau, iginagalang ng Washington ang desisyon ng mga Pilipino at masaya silang makikipagtrabaho sa napiling leader ng Pilipinas.Samantala, umaasa naman ang China na babalik ang dating magandang ugnayan nila sa Pilipinas sa administrasyon ni Duterte.Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, sana ay magtagpo ang mga hangarin ng Pilipinas at China upang maresolbahan na ang mga isyu sa teritoryo sa West Philippine Sea.Naglabas na rin ng pahayag si EU Ambassador Franz Jessen na makatrabaho si Duterte at mapag-usapan ang EU-Philippine agenda sa kaniyang administrasyon.Na-engganyo si Jessen sa nakita niyang lakas ng paggamit ng mga pilipino ng demokrasya upang piliin ang lider na nais nilang mamuno sa bansa.
Eu, Amerika At China, Excited Nang Maka-Trabaho Bilang Pangulo Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte
Facebook Comments