EU, nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na bawiin ang kaso laban kay Rappler CEO Maria Ressa; Prangkisa ng ABS-CBN, pinare-renew

Hinikayat ng European Parliament ang gobyerno na Pilipinas na bawiin ang cyberliber conviction laban kay Rappler Chief Maria Ressa.

Sa Joint Motion for a Resolution na may petsang September 16, nagpahayag ng pagkaalarma ang EU sa umano’y lumalalang lebel ng press freedom sa bansa.

Kinondena nito ang lahat ng banta, harassment, pananakot at unfair prosecutions gayundin ang karahasan sa mga journalist kabilang ang kaso ni Ressa at dating researcher-writer ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr.


Nanawagan ang parliament sa European delegation at European member states’ representative nito sa Manila na bantayang mabuti ang mga ganap sa kaso nina Ressa at ibigay ang lahat ng kinakailangan nilang tulong.

Bukod dito, umapela rin ang EU sa gobyerno ng Pilipinas na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaang ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcast network matapos na mapaso ang legislative franchise nito noong Mayo.

Facebook Comments