Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng antibody treatment na Ronapreve para sa Emergency Use Authorization (EUA) nito sa bansa.
Ayon kay FDA director-general Dr. Eric Domingo, gagamitin lamang ang gamot para sa mild to moderate COVID-19 cases ng mga edad 12 pataas.
Ang Japan ang unang bansa sa buong mundo na nagbigay ng buong pag-apruba sa Ronapreve para sa kanilang COVID-19 patients.
Lumabas naman sa report ng Agence France-Presse na binawasan ng Ronapreve sa Phase 3 trials nito ang posibleng paglala, pagka-ospital at pagkasawi ng mga pasyenteng kabilang sa mild o moderate cases.
Maliban sa Japan, ilan pang bansa na nagbigay ng authorization for emergency or temporary pandemic use sa Ronapreve ay ang European Union, United States, India, Switzerland at Canada.