Malabo nang maihabol ngayong Pebrero ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Russian COVID-19 vaccine na Sputnik V.
Ito ay kahit lumabas sa peer review medical journal na 91.6% itong epektibo sa mga tinatamaan ng COVID-19 at 100% effective sa mga severe cases.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Eric Domingo, marami pa silang kailangang busisiin sa Sputnik V bago ito mabigyan ng EUA.
Aniya, marami pang aspetong dapat pag-aralan bukod sa efficacy rate nito.
Sinabi naman ni Domingo na ang bakuna ng Pfizer ang posibleng unang iturok sa mga health worker sa bansa.
Inaasahan kasi na ang Pfizer vaccine ang unang ipapamahagi ng World Health Organization (WHO) matapos mabigyan ng emergency listing.
Facebook Comments