EUA para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer, inilabas na ng FDA – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inilabas na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, target ng ahensya na isagawa ang procurement ng mga bivalent vaccines sa unang bahagi ng 2023.

Ang mga bivalent vaccine kasi ay may partikular na component at proteksyon kontra sa mga Omicron subvariant tulad ng BF.7, kumpara sa monovalent vaccines na nakabase sa original strain ng virus.


Pero ani Vergeire, nag-e-evolve pa rin ang pag-aaral ng mga scientist hinggil dito.

Gayunpaman, maraming mga pag-aaral aniya ang nagpapakita na mas mapoproteksyonan ng bivalent vaccines ang publiko dahil sa specific component nito laban sa Omicron subvariant.

Samantala, hindi naman ikinokonsidera ng DOH ang BF.7 bilang variant of concern.

Bagama’t mas nakakahawa ito at mas mataas ang immune evasiveness ayon sa DOH, ay walang ebidensya na nagdudulot ito ng severe infection.

Facebook Comments