Karagdagang istasyon ng EDSA Busway, pasisinayaan bukas

Pangungunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pagpapasinaya sa karagdagang istasyon ng EDSA Busway bukas.

Ayon sa DOTr, partikular na bubuksan ang Tramo Station southbound ng EDSA Busway na maaaring sakyan at babaan ng mga pasahero na galing at patungo sa Makati at Pasay City.

Sa kasalukuyan, mayroong 18 istasyon ang EDSA Busway at magiging 19 na ito bukas kasabay ng inagurasyon ng Tramo Station.


Ang EDSA Busway project ay bumabaybay mula sa MCU Median, Caloocan City hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel ay hanggang sa December 31.

Facebook Comments