Eugene Domingo, malapit na ma-engaged sa Italian boyfriend?

902
via Instagram / danilo.b

Kinumpirma ng aktres na si Eugene Domingo na tatlong taon na siyang in a relationship at masaya sa Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.

“Ang saya. Sarap, saka tamang-tama lang. Hindi naman kami ‘yung masyadong nagmamadali sa lahat ng bagay, sakto lang,” ani Uge sa press conference ng iWant digital series na ‘Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken’, Hulyo 10.


Nang tanungin naman kung engaged na ba sila, sinabi ng aktres na, “We are almost there. It’s like he is my life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danilo (@danilo.b) on

Handa rin daw magpakasal sa Italy si Uge at kung sakaling alukin ng kasintahan na lumagay na roon, ngunit hindi pa rin magreretiro sa showbiz.

“Of course, but I am not saying that I am going to retire as an actress because an actor never retires. Kasi hindi naman ‘yan parang trabahong parang pag 60 years old ka na, pension na. Alam niyo naman na you can act kahit hanggang 100. But if it will call for more time to be spending in Italy then yes,” aniya.

Sa ngayon ay hindi rin daw isyu kung long-distance relationship sila ng Italian boyfriend dahil marami aniyang digital applications na maaaring magamit para panatilihin ang komunikasyon.

“And you also have to be creative. Kasi minsan din, hindi naman talaga ang distance ang problema ng endurance ng inyong love life, ng relationship. Minsan kahit magkatabi kayo, hindi naman kayo nagmamahalan,” hirit ni Uge.

Facebook Comments

From Advertisers