Tsuper, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

*Alicia, Isabela- *Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang tsuper matapos na mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad ganap na alas 3:00 kaninang madaling araw sa Brgy Victoria, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Roberto PeƱaranda, 49 anyos, may-asawa at residente ng Brgy Castillo, Echague, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Alicia mula sa isang concerned citizen hinggil umano sa pagbebenta ng suspek sa ipinagbabawal na gamot.


Nang malaman ng pulisya na naghahanap ng interasadong buyer ang suspek ay agad na inilatag ang operasyon laban kay PeƱaranda na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang limang daang piso (P500.00) na marked money at isang unit ng Cellphone.

Dinala na sa Alicia Police Station ang suspek maging ang mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments