Magsisimula na ngayong araw ang European parliamentary elections.
Ito ay matapos pumayag ang European Union (EU) sa Brexit delay hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Ibig sabihin, lalahok pa rin ang United Kingdom sa eleksyon.
Sa eleksyon, pipili ang mga botante ng 73 miyembro ng European parliament sa 12 multi-member regional constituencies.
Mauunang boboto ang mga nasa United Kingdom habang ang iba pang bansang miyembro ng EU ay depende sa iba’t-ibang itinakdang oras.
Ang buong election process ay inaasahang matatapos sa Linggo (May 26).
Ang eleksyon ay isinasagawa kada limang taon sa EU countries.
Facebook Comments